COMELEC, tiniyak na hindi mawawalan ng kuryente sa araw ng halalan

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi mawawalan ng kuryente sa mismong araw ng halalan.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, nakikipag-ugnayan na sila sa major power suppliers at electric cooperatives sa buong bansa.

Kaugnay nito ay magbibigay aniya ang COMELEC ng calendar of activities ng Election 2022 nang sa ganon ay hindi matapat sa kritikal na punto ng proseso ng halalan sakaling magsagawa ng power maintenance ang mga power producers ng bansa.


Matatandaang noong nakaraang eleksyon ay naghanda ang COMELEC ng power generator sets kung sakaling mawalan ng kuryente samga presinto.

Facebook Comments