Comelec, tiniyak na ligtas ang kanilang field office sa Lanao Del Sur

134

Lanao Del Sur – Tiniyak ng Commission on Election na ligtas ang kanilang field offices sa Lanao Del Sur na apektado ng gulo sa Marawi City.

Sa interview ng RMN kay COMELEC Chairman Andres Bautista – binibigyan nila ng sapat na panahon ang kanilang mga empleyado sa marawi na maghain leave of absence.

Samantala – umaasa parin ang komisyon na matutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktobre.


AnIya – nagsimula na sila sa bidding process para sa mga materyales na gagamitin sa halalan.

Pero wala pa silang na-award-an dahil hinintay pa rin nila ang desisyon ng kongreso hinggil sa postponement.

Facebook Comments