Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na maipoproklama ngayong linggo ang mga nanalomg partylist groups.
Ayon kay COMELEC acting Spokesman Atty. Rex Laudiangco,posibleng sa darating na Huwebes o Biyernes, May 26 o May 27 maiproklama ang mga nanalong partylists.
Bukas, May 25 saka pa lamang matatanggap ng COMELEC ang resulta ng special elections sa Lanao del Sur.
Tatapusin aniya ang buong proseso kabilang na ang canvassing at paggamit ng partylist formula para makita ang ranking ng mga mananalong partylist groups.
Iginiit ni Atty. Laudiangco na ibabatay ang mga mananalong partylist at mga uupong kinatawan nila sa 63 puwesto sa Kongreso.
Facebook Comments