COMELEC, tiniyak na nakahanda na sa halalan 2022 sa Lunes

Tiniyak ng Commission on Election (COMELEC) na handang-handa na sila sa pagdaraos ng halalan sa May 9.

Ito ay sakabila ng mga naitalang aberya sa ilang Vote Counting Machines (VCMs) sa isinagawang final testing and sealing.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, mayroon mga nakatalagang technician sa mga lugar ng botohan para umasiste kung kinakailangan.


Kung hindi naman aniya kakayanin ng technician, itutuloy pa rin ang botohan pero pagsasama-samahin muna ang mga balota saka ipapasok sa ire-reconfigure na VCM sa katabing polling precinct.

Sinabi pa ni Garcia na mayroon ding 1,000 contingency o nakareserbang makina na maaaring gamitin.

Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling kailanganing i-airlift ang mga VCM papuntang sa walong hubs sa buong bansa.

Facebook Comments