COMELEC, tiniyak na nakalatag na ang mga COVID-19 protocol para sa 2022 elections

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na nakalatag na ang mga COVID-19 protocol para hindi pagmulan ng hawaan ang May 9 Elections.

Ayon kay COMELEC Employees Union President Atty. Leylann Manuel, nakahanda na sila mula pa noong nagsimula ang kampanya hanggang sa canvassing ng mga balota at pagdedeklara ng mananalo.

Sa mismong araw ng eleksyon, 20 tao lamang aniya ang papayagang makapasok sa mga polling center kung saan mayroong itatalagang exit at entry point.


Magtatalaga rin aniya ng mga marshal na siyang sasaway sa mga botante lumalabag sa minimum public health standars.

Maglalagay rin ng isolated polling place para sa mga botanteng makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Kasabay nito, nagpaalala si COMELEC Commissioner George Garcia sa mga botante na huwag magsuot ng damit na may mukha o pangalan ng kanilang ibobotong kandidato sa araw ng halalan dahil maituturing itong pangangampanya.

Gayunman, papayagan naman ang pagsusuot ng damit na may campaign color o slogan ng kandidato.

Facebook Comments