COMELEC, tiniyak na papanagutin ang mga nasa likod ng paghahasik ng kaguluhan sa Lanao del Sur noong araw ng halalan

Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na mananagot ang nasa likod nang paghahasik ng kaguluhan sa Lanao del Sur noong araw ng halalan.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na papanagutin nila ang may sala dahil malinaw aniya na isang election offense sa ilalim ng section 261 ng Omnibus Election Code ang ganitong klase ng panghahablot at pagkuha ng mga election paraphernalia.

Maliban pa dito, mayroon pang kakaharapin na ibang kasong kriminal na nakasaad sa Revised Penal Code, at kung may involved pa dito na opisyal ng pamahalaan, maari din aniya silang masampahan ng kasong administratibo.


Giit ni Garcia, hindi patitinag ang pamahalaan partikular na ang COMELEC sa mga masasamang elemento o grupo na naghasik ng kaguluhan nuong nakalipas na halalan.

Samantala, sa ngayon pinagtutuunan na ng pansin ng komisyon ang isasagawang special elections sa lugar.

Facebook Comments