Comelec, tiniyak na tuloy ang halalan sa mga lugar na apektado ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon

Makakaboto pa rin ang mga nananatili sa evacuation centers sa Negros Island dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Ito ang tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) kasunod ng pangamba ng ilang residente na hindi makalahok sa darating na halalan dahil wala sila sa kanilang mga barangay.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, dadalhin mismo sa mga evacuation centers sa La Carlota City at La Castellana ang botohan.

Layon aniya nitong masiguro na walang maiiwan sa darating na halalan.

Umaasa naman si Garcia na walang mangyayaring failure of election upang hindi maipagpaliban ang pagboto ng mga apektado ng pagputok ng bulkan.

Facebook Comments