COMELEC, tiniyak na walang election materials na napinsala ng Bagyong Agaton sa Region 8

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na walang nasirang election paraphernalias sa Region 8 na gagamitin sa halalan sa Mayo 9, ayon kay Atty. Bartolome Sinocruz Jr., executive director ng COMELEC.

Ligtas din ang vote counting machines dahil nang tumama ang bagyo ay nasa barko pa ang mga makina.

Sinabi naman ni Atty. Cinderella Filipina Benetoz-Jaro, Executive Director ng Commission on Higher Education (CHED) na maging ang kanilang regional office sa Region 8 ay nasira ng bagyo.


Tiniyak din ng Comelec na magtatayo ang poll body ng mga makeshift na polling precinct sa mga lugar sa Region 8 na sinalanta ng Bagyong Agaton.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang pagtukoy ng COMELEC kung ilang eskwelahan na gagamiting presinto ang nasira ng bagyo

Facebook Comments