Ititigil ng Commission on Elections (COMELEC) ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) kapag naisabatas na ang pagpapaliban nito sa Disyembre.
Ito ang inihayag ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco sa Laging Handa public briefing.
Aniya, itatago nila ang mga nabiling gamit para sa BSKE upang magamit pa ang mga ito.
Pagtitiyak ni Laudiangco na walang masasayang sa lahat na mga nabiling gamit para sa eleksyon.
Hangga’t aniyan wala pang batas na nagpapaliban sa eleksyon sa Disyembre, tuloy-tuloy ang kanilang paghahanda.
Sa katunayan aniya, nasa 80 to 90 percent na silang handa, ide-deliver na aniya ang ballot papers, ballpens, ballot secrecy folders, inks ngayong linggo at susunod na linggo.
24 oras na rin aniya ang ginagawang pag-imprenta ng mga balota na ngayon ay umaabot na sa 92 million ballots.