COMELEC, tukoy na ang mga lugar na pagdarausan ng mock elections

Tukoy na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga lugar kung saan isasagawa ang mock elections sa darating na December 29.

Ito ang ibinahagi ni COMELEC Deputy Director for Operations Teopisto Elnas sa webinar na ikinasa ng National Citizens Movement for Free Elections o NAMFREL ngayong araw kaugnay sa paghahanda sa eleksyon.

Inihayag ni Elnas na ilang lugar sa Isabela, Albay, Negros Oriental, Leyte, Maguindanao, Davao del Sur at Metro Manila ang magsisilbing mock election areas sa Disyembre.


Susubukan dito ang automated na pamamaraan ng eleksyon habang sinusunod ang minimum health protocols.

Samantala, itinakda naman ng comelec ang pa-iimprenta ng mga balota sa pagitan ng January 12 hanggang April 25, 2022 at saka ilalagay sa warehouse nito sa Pasig City.

Tinataya namang 65.3 milyong rehistradong botante ang lalahok sa darating na 2022 national and local elections ngayong May 9.

Facebook Comments