COMELEC, tututok sa isasagawang COC filing sa BARMM

Umaapela si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na huwag kalimutan at kung maaari ay tutukan ang isasagawang Certificate of Candidacy (COC) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Garcia, ikakasa ang COC filing sa November 4 – 9, 2024 para sa kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM.

Nakikipag-ugnayan na ang COMELEC sa mga kinauukulan para sa isasagawang filing ng COC at umaasa na magiging maayos ito tulad ng katatapos lamang na COC filing para sa national and local elections.


Kaninang alas-7:30 ng umaga ay dumalo ang mga opisyal at tauhan ng COMELEC sa isang thanksgiving mass sa Manila Cathedral matapos ang walong araw na COC filing.

Facebook Comments