COMELEC, umaasang mas maraming tao ang mahikayat na magparehistro sa pamamagitan ng paglalagay ng satellite registration sa mga mall

Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na mas mahihikayat ang mga tao na magparehistro para sa nalalapit na 2022 elections sa pamamagitan ng paglalagay ng registration booths sa mga mall.

Ayon kay COMELEC Executive Director Bartolomen Sinocruz Jr., ang paglalagay ng satellite registration sa mga malls ay dagdag opsyon sa mga tao para sila ay makapagrehistro.

Ang poll body ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement sa Robinsons Malls kung saan maglalagay ng satellite registration booths sa 47 malls sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Sakop nito ang National Capital region, Central Luzon, North Luzon, South Luzon, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas, at Mindanao.

Ang voters’ registration ay magtatapos sa September 30.

Samantala, pinag-aaralan ng poll body na luwagan ang patakaran nito sa kung saan maaaring isagawa ang satellite registration para makapag-organisa ang mga local poll officials ng ganitong aktibidad sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments