COMELEC: Unang araw ng filing ng candidacy, naging maayos kahit dinagsa ng mga tao

Naging maayos ang unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy o COC ng mga kakandidato para sa Brgy. at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Atty. John Rex Laudiangco ng Commission on Elections o COMELEC na maraming tao ang tumangkilik sa unang araw ng filing ng COC pero hindi magulo.

Inamin ni Laudiangco na hindi nila inaasahan na marami ang maghahain agad ng COC.


Pero wala namang naiulat na hindi magandang pangyayari o untoward incident, maging sa mga mall kung saan ginagamit din ngayon para sa filing ng candidacy.

Nagpasalamat naman si Laudiangco sa Pambansang Pulisya, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Coast Guard na katulong nila sa pangangasiwa sa unang araw ng panahon ng eleksyon at pagbibigay gabay sa ating mga kababayan.

Paalala na lamang ni Laudiangco lalo na sa mga kandidato, kapag tinanggap na ang kanilang COC, applicable na ang lahat ng batas.

Ilan dito ay bawal na silang magpaskil ng election paraphernalia, maagang pangangampanya, pagsasabit ng tarpaulin o posters.

Bawal na rin ang pagdadala ng malaking halaga ng pera, pamimigay ng kahit anupamang pagkain o pabor dahil ituturing na rin itong pangangampanya.

Facebook Comments