Comelec, wala pang desisyon kung ilalagay sa hotspot ang QC

Hindi pa makapagdesisyon ang Comelec kung isasailalim ba ang Quezon City sa hotspot.

Kasunod ito ng pagkakapaslang sa isang babaeng tumatakbong kongresista sa lungsod.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, naghihintay pa sila ng rekomendasyon mula sa kanilang field officer sa Quezon City.


Magugunitang nitong Miyerkules, tinambangan si Bagong Silangan Chairwoman Criselle Beltran na tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng lungsod.

Facebook Comments