Comelec, wala pang natatanggap na reklamo kasabay ng unang araw na pangangampanya ng mga lokal na kandidato

Kasabay ng pag-uumpisa ng campaign period para sa mga lokal na kandidato kahapon, wala pang natatanggap ang Commission on Elections (Comelec) na anumang reklamo hinggil sa campaign activities ng local bets.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – maganda ang natatanggap nilang feedback sa ngayon.

Aniya, unang araw pa lamang ng local campaign kahapon at nangangampanya na ang mga ito mula noong naghain ang mga ito ng kanilang Certificates of Candidacy (COC).


Napansin din ng Comelec na dumami ang social media posts ng mga lokal na kandidato.

Dahil mas mataas ang tensyon sa local race, pinayuhan ng poll body ang mga kandidato na panatilihing “under control” ang kanilang mga taga-suporta.

Facebook Comments