Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections na hindi nila isinusulong ang postponement ng Barangay at SK elections ngayong taon.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hangad nila na magkaroon na ng pagpapasiya kung papayag nga ba ang Kongreso na ituloy ang nasabing halalan ngayong taon o hindi.
Ito ang naging paglilinaw ni Jimenez kasunod na rin ng pahayag ni Act Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na nagsasabing “inappropriate” para sa COMELEC na isulong ang pagpapaliban ng Barangay at SK elections.
Iginiit ni Jimenez na simula sa umpisa ay sumusunod lamang ang COMELEC kung ano ang pasya ng Kongreso hinggil sa nasabing usapin.
Samantala, bagaman hindi pa aniya nakakapagpasya ang Kongreso hinggil sa Barangay and SK elections, patuloy naman ang paghahandang ginagawa dito ng COMELEC.