Comelec, walang balak na kanselahin ang voters registration sa abroad sa kabila ng banta ng COVID-19

Tuluy-tuloy pa rin ang voters registration ng Comelec sa iba’t-ibang bansa para sa General Elections sa 2022.

Ito ay sa kabila ng banta ng Corona Virus Disease o Covid-19.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, na siyang commissioner-in-charge ng Comelec-Office for Overseas Voting, walang pang plano ang Comelec na kanselahin ang voters registration para sa mga Pilipinong nasa abroad.


Sa katunayan, ay hinihimok pa ng Comelec ang mga Pinoy na nasa iba’t-ibang bansa na magparehistro upang makaboto sa halalan sa 2022.

Dalawang milyong registered overseas voters ang target ng poll body para sa eleksyon sa May 2022.

Facebook Comments