Command Center sa Bureau of Customs, binuwag na

Manila, Philippines – Binuwag na ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña ang Command Center (Comcen).

Ang Comcen ang nagbibigay alerto sa mga kargamento sa ahensya.

Sa inilabas na memorandum order ibinalik ang kapangyarihan sa mga Deputy Commissioners ng Intelligence Group, Enforcement Group at ng District Collectors na maglabas ng alert order sa mga pumapasok na kargamento sa bansa.


Ayon kay Lapeña, isang paraan ito para maipakita ang kanyang tiwala sa mga opisyal at empleyado ng ahensya.

Una nang kinuwestyon ng mga mambabatas ang comcen matapos makalusot sa bansa ang 6.4 billion pesos na ilegal na droga mula China.

Facebook Comments