Command Conference, ipinatawag ni PNP Chief sa Camp Crame para plantsahin ang protocols sa “community quarantine” sa Metro Manila

Nagpatawag ng Command Conference si PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ngayong umaga sa Camp Crame para plantsahin ang mga protocols para sa ipatutupad na “community quarantine” sa Metro Manila simula sa March 15.

Kasunod ito ng direktiba ng Pangulo kagabi matapos na itaas ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa Code Red Sub Level 2 ang alerto ng bansa dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay PNP Director for Police Community Relations at Acting Spokesperson PMGen. Benigno Durana, marami pang dapat linawin kung paano ang ipapatupad ang Community Quarantine.


Aniya, malaki ang papel na gagampanan dito ng  DOLE AT DOTR.

Partikular kung paano ang Restriction sa biyahe ng mga pampublikong sasakyan lalo’t ang karamihan ng mga manggagawa sa Metro Manila ay umuuwi sa mga karatig lalawigan gaya ng Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite at iba pa.

Inaasahan na ihahayag ni Gamboa ang napagkasunduan na mga ipatutupad na protocols ngayong araw, pagkatapos ng command conference.

Facebook Comments