
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibitiw ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan dahil sa command responsibility.
Ayon sa Pangulo, inako aniya ni Bonoan ang responsibilidad sa mga anomalya sa flood control ay nangyari sa ilalim ng kaniyang pamumuno sa ahensya.
Napili naman ni Pangulong Marcos si Sec. Vince Dizon na mamuno sa DPWH dahil sa magandang performance nito sa DOTr, partikular sa pagpapatupad ng mga malalaking proyekto sa transportasyon.
Pamilyar din aniya ito sa trabaho sa DPWH at kumpiyansa siyang nagawa na ni Dizon ang mga dapat gawin at ipatupad sa DOTr kaya pwede na aniya nitong iwanan at lumipat sa public works.
Facebook Comments









