Commandant ng US Marine Corps, bumisita sa Pilipinas

Bumisita sa bansa ang Commandant ng United States Marine Corps (USMC) na si General David Berger nitong Biyernes hanggang Sabado.

Siya ay nakipagpulong kay Vice Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (AFP) Lt. Gen. Erickson Gloria, Philippine Navy (PN) flag-officer-in-command (FOIC), Rear Adm. Adeluis Bordado, at Commandant of the Philippine Marine Corps (PMC) Maj. Gen. Ariel Caculitan.

Tinalakay sa kanilang pagpupulong ang kahalagahan ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa rehiyon.


Sinabi ni Gen. Berger na mahalaga na mapahusay ang “interoperability” ng mga tropa ng Pilipinas at Amerika para mabilis na makaresponde sa mga krisis o emergency.

Napag-usapan din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “realistic training” sa pagitan ng USMC at PMC, sa mga ehersisyo tulad ng “Kamandag” at “Balikatan”.

Dagdag pa ni Berger, mahalaga sa kaniya ang pagbisita sa Pilipinas dahil ang kooperasyong pandepensa ang haligi ng 70 taon na magandang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Facebook Comments