Commander ng AFP Northern Luzon Command, pinalitan na

Manila, Philippines – Umupo na bilang bagong commander ng Northern Luzon Command (NOLCOM) si Major General Emmanuel Salamat.

Pinalitan ni Salamat si Lt. Gen. Romeo Tanalgo na nag retiro na sa serbisyo.

Si Salamat ay miyembro ng PMA Class 1985 na dating Philippine Marines commandant.


Si BGen. Alvin Parreno naman ang itinalagang Philippine Marine Coprs Commandant kapalit ni MGen. Salamat.

Ang bagong pwesto ni Salamat ay bahagi ng nagpapatuloy na reshuffle sa mga key post sa AFP dahil sa pagreretiro ng mga matataas na opisyal ng AFP.

Sinabi naman ni AFP spokesman Brigadier General Restituto Padilla, si MGen. Salamat ay isang “principled, idealistic, focused, and determined officer.”

Ang Nolcom ang siyang responsable sa pagbibigay seguridad sa northernmost territory ng bansa.

Kabilang sa mga lugar na sakop ng NOLCOM ay Scarborough (Panatag) Shoal sa may bahagi ng Zambales sa West Philippine Sea.

Bahagi din sa misyon ng NOLCOM ay bantayan ang Benham Rise matatagpuan malapit sa Aurora province.

Facebook Comments