Commander ng PNP Custodial Facility, ni-relieve na sa pwesto

Ni-relieve na sa pwesto ang pinuno ng Philippine National Police (PNP) Custodial Facility na si Lt. Col. Patrick Ramillano.

Ito ang inanunsyo ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Ayon kay PNP Chief Azurin Jr., bahagi ito ng proseso habang gumugulong ang imbestigasyon hinggil sa naganap na hostage taking incident kahapon kay dating Sen. Leila de Lima.


Sa ngayon, naka-heightened alert ang buong Kampo Krame matapos ang naturang insidente.

Facebook Comments