Commanders at hepe ng iba’t ibang unit at offices ng NCRPO na dumalo sa New Year’s call, isinalang sa random drug test

85

Kasabay nang isinagawang New Year’s call ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City.

Ginawa rin ang random drug testing sa lahat ng commander at chief ng lahat ng iba’t ibang opisina sa NCRPO.


Mensahe naman ni NCRPO Chief Brigadier General Vicente Danao Jr. sa mga dumalong commander at chief ng units na huwag ku-kunsintihin ang kanilang mga tauhan na nasasangkot sa iligal na aktibidad lalo’t kung ito ay may kinalaman sa droga.

Banta naman ni Danao sa commanders na mapapatunayang kinukunsinti ang kanilang tauhan sa kalokohan na agad masisibak.

Wala pang resulta ang isinagawang random drug test kahapon.

Samantala, bukod sa random drug testing kahapon pagkatapos ng New Year’s call ay nagkaroon rin ng command conference kung saan nagkaroon ng evaluation sa performances ng commanders ng NCRPO.




Tiniyak ni Danao sa isinagawang command conference na nagagawa nang kanyang mga tauhan ang kanilang mandato para sa publiko.

Facebook Comments