Commanding General ng Eastern Mindanao Command, itinalaga bilang bagong AFP Chief of Staff

Manila, Philippines – Nagtalaga na ang Malacañang ng bagong Armed Forces of the Philippines Chief sa katauhan ni Lieutenant General Reynaldo Guerrero.

Ito ay dahil sa pagreretiro sa serbisyo ni outgoing AFP Chief of Staff General Eduardo Ano sa October 27 sa edad na 56 taong gulang, ang mandatory retirement age.

Si Guerrero ay ang kasalukuyang Eastern Mindanao Command Commander na nakabase ang headquarters sa Davao City ang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Nagtapos si Guerrero sa Philippine Military Academy Class 1984.

Bago pa lang noon sa Philippine Army ay naging bridage command commander na si Guerrero sa Davao Oriental.

Bilang isa ring Special Forces Officer naitalaga sya bilang Presidential Security group ni dating pangulong Gloria Macapagal- Arroyo.

Si Guerrero ay magreretiro sa serbisyo sa December 17, 2017 pero batay sa konstitusyon may kapangyarihan ang pangulo na palawigin mula tatlong buwan hanggang anim na buwan ang pagseserbisyo ng isang AFP Chief of Staff kahit na ito ay retirado na.

Sa isang panayam sinabi naman ni outgoing AFP Chief of Staff General ano na “in good hands” ang AFP sa magiging pamamalakad ni Guerrero.

Sa pagreretiro naman ni General Ano sinabi nyang maghihintay lamang sya magiging desisyon ng Pangulong Duterte kaugnay sa kanyang pag upo bilang DILG Sec. na una nang naantala matapos ang naganap na gyera sa lungsod ng Marawi.

Samantala bukas isasagawa ang turn over ceremony at change of Command ng AFP Chief of Staff sa grandstand ng Camp Aguinaldo Quezon City.

Facebook Comments