Commanding General ng Philippine Army, Pinalakas ang Morale ng Kasundaluhan sa kanyang pagbisita sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Pinalakas ngayon ni Commanding General Philippine Army, Lieutenant General Cirilito E Sobejana PA ang morale ng pwersa ng kasundaluhan sa kanyang pagbisita sa 5th Infantry (Star) Division, Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela kahapon, September 04, 2020.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng heneral simula ng manungkulan ito bilang pinuno ng sundalo sa bansa.

Sa kanyang pagbisita, pinuri ng opisyal ang kahandaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa buong Cagayan Valley at Cordillera Administrative Regions.


Kasabay nito, iprinisenta naman ni Brigadier General Laurence E Mina, Commander ng 5ID, PA ang ilang makabuluhang naging tagumpay ng pinag-isang pwersa ng Operationally Controlled (OPCON) units ng 5ID, maging ang pagtanggap ng Kapayapaan Plaques kung saan nangyari ang pagbuwag sa tatlong(3) Guerilla fronts (2 in Region 2 at 1 in CAR) at pagpapasuko sa ilang lider ng terorista.

Iprinisenta rin ang ilang miyembro ng Communist Terrorist Group’s (CTG) at mga matataas na armas.

Samantala, nag-ikot naman sa “Happy Farm Ville” si Lt. Gen. Sobejana kung saan 56 dating mga rebelde mula sa Isabela ang kabilang na ngayon sa Salaknib Former Rebels Integrated Farmers’ Association (SFRIFA).

Ang happy farm ville ay nagsisilbing tirahan ng mga sumukong rebelde habang hinihintay nila ang kanilang benepisyo mula sa E-CLIP ng gobyerno.

Hinikayat naman ni Lt. Gen Sobejana ang pwersa ng kasundaluhan na pagbutihin pa lalo ang pagpapanatili ng kapayapaan para maprotektahan ang lahat ng tao sa Cagayan Valley maging sa Cordillera Region.




Facebook Comments