Maglalabas ng isang commemorative stamp ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) bilang pagkilala sa mga nagawa ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.
Kasabay nito ang pakikiramay ng PHLPost sa pangunguna ni Postmaster General Norman “Mr. Postman” Fulgencio at ang buong ahensya sa pamilya ng namayapang dating pangulo.
Isinasaayos na ang commemorative stamp upang maipakalat sa lahat ng branch ng PHLPost.
Pumanaw ang dating Pangulo nitong ika-25 ng Hunyo sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes.
Facebook Comments