Inabot ng halos pitong oras bago naapula ang nangyaring sunog sa isang commercial area sa Malabon City.
Partikular sa isang general merchandise store sa Naval Street na sakop ng Brgy. Flores.
Nagsimula ang sunog ng alas-12:49 ng umaga na inabot ng ikatlong alarma kung kaya’t nasa halos 20 fire trucks at fire volunteers ang rumesponde.
Alas-5:58 na nang ideklarang fire under control ang sunog habang inabot pa ng halos dalawang oras bago ito tuluyang naapula.
Isang bahay naman sa likurang bahagi ng naturang establisyimento ang nadamay at inaalam pa ang dahilan ng sunog maging ang halaga ng mga ari-arian na natupok dahil sa insidente.
Facebook Comments