COMMERCIAL RICE | Paggalaw ng presyo, hindi kontrolado ng NFA

Manila, Philippines – Aminado ang National Food Authority (NFA) na hindi nila kontrolado ang galawan ng presyo ng commercial rice sa bansa.

Ayon kay NFA Public Affairs Chief Rebecca Olarte – ang magagawa lamang nila ay magpalabas ng NFA rice sa mga lugar na mas mataas ang presyo ng commercial rice bilang may alternatibo ang mga mamimili.

Hindi batid ng NFA kung bakit tinaasan ng mga supplier ang presyo ng kanilang bigas gayung panahon na ngayon ng anihan at sapat ang suplay ng bigas.


Facebook Comments