Commision on Audit, nilinaw na walang nawawalang ₱145B na pondo ang Philhealth

Nilinaw ng Commision on Audit (COA) na wala silang nakitang kawalan ng ₱145B na pondo sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa kanilang ginawang audited financial statements.

Ito ay kasunod ng hiling ni Philhealth President at CEO Ricardo Morales na magsagawa ng special audit sa umano’y naitalang pagkalugi ng ahensiya na aabot sa nasabing halaga sa loob ng anim na taon.

Nabatid na noong nakaraang taon ay mayroong ulat na nag-ooperate ang Philhealth kahit nalulugi na dahil sa mga anumalya kagaya ng mga overpayment at korapsyon.


Dahil dito, kinumpirma ng COA na walang bilyun-bilyong pisong nawala sa ahensiya base na rin sa ginagawa nilang annual audit reports sa Philhealth.

Facebook Comments