COMMISION ON ELECTIONS, NAGLABAS NA NG CALENDAR OF ACTIVITIES PARA SA NALALAPIT NA BARANGAY AND SK ELECTIONS

Para sa mga bara-barangay na nag-aantay kung kaila nga ba mag-uumpisa ang Barangay at SK elections, naglabas na ang Commision on Elections ng kanilang calendar of activities para sa nalalapit na eleksyon ng mga bagong ihahalal na Barangay at SK officials.
Sa bisa ng COMELEC Resolution no. 10899 na inihayag nito lang Pebrero, nakasaad ang mga araw ng mga itinakdang aktibidad para sa Barangay at SK elections.
Mag-uumpisa ang filing of certificate of candidacy ng mga nais na tumakbo sa June 3 hanggang June 7, 2023.
Ang election period naman ay sa mag-uumpisa sa July 3 hanggang November 14, 2023 at ang pangangampanya naman ng mga tatakbo para sa nasabing eleksyon ay mag-uumpisa sa October 19 at magtatapos sa October 28, 2023.
October 30, 2023 naman ang Election day at sa November 29, 2023 ang huling araw ng pagpa-file ng Official Statements of Contributions and Expenditures o SOCE.
Kung mayroon namandaw katanungan ukol dito ay maaaring tumawag at mag-mensahe sa ahensya mismo ng COMELEC. |ifmnews
Facebook Comments