Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) na alisin na ang ipinatutupad na travel ban sa mga stranded na Overseas Filipino Worker (OFW).
Sa isang pahayag, sinabi ni CHR Commisioner Gwendolyn Pimentel-Gana na dapat nang payagan ng gobyerno ang OFWs na makauwi at higpitan na lamang ang quarantine procedures pagdating ng mga ito sa bansa.
Ipinunto ni Pimentel ang bahagi ng Article 8.2 ng International Convention on the protection of the Rights of all migrant workers and members of their families.
Nakasaad kasi dito na ang lahat ng migrant workers at kanilang pamilya ay may karapatang makabalik ng bansa anumang oras.
Bukod diyan, ipinanawagan din ng CHR na mabigyan ng maayos na sahod at benepisyo ang mga healthcare workers dito sa bansa.
Facebook Comments