COMMISSION OH HUMAN RIGHTS, TINALAKAY ANG SAFE SPACES ACT

Cauayan City – Tinalakay ng Commission and Human Rights ang tungkol sa papel ng media sa ilalim ng Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act.

Binigyang-diin ni Atty. Marie Grace R. Marcos ang kahalagahan ng paggalang sa kababaihan anuman ang kanilang kasuotan, na tinalakay sa media forum.

Aniya, magpakita ng respeto sa lahat ng kababaihan anuman ang kanilang damit at huwag gawing isang bagay na pang-aliw lamang.


Ipinunto rin ni Atty. Marcos ang malaking impluwensiya ng media sa paghubog ng pananaw ng publiko tungkol sa kababaihan.

Dagdag pa niya, mahalaga ang papel ng media sa paglaban sa negatibong mga stereotype at sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay.

Bilang tugon sa usaping ito, naglabas ang Commission on Human Rights (CHR) Region 2 ng isang abiso upang himukin ang mga media na iwasan ang paggawa o pagpapakalat ng mga nilalaman na maling naglalarawan sa kababaihan.

Facebook Comments