Pinaboran ng Commission on Audit (COA) ang Notice of Disallowance na inisyu laban sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ay para isauli ang 139 Million Pesos na halaga ng allowance at mga bonus na sinasabing ilegal na ipinamahagi sa kanilang mga opsiyal at empleyado.
Sa desisyon noong May 23, ibinasura ng COA ang Motion for Reconsideration ni dating PhilHealth President at CEO Alexander Padilla noong April 2016 laban sa notice of disallowance ng COA corporate government sector cluster 6 noong May 2013.
Ipinahihinto nito ang subsistence at laundry allowance pati na ang hazard pay na ibinigay sa mga opisyal at empleyado ng PhilHealth sa Central Office at NCR office noong 2012 na aabot sa halagang 91 Million Pesos.
Facebook Comments