Commission on Audit, may kapangyarihang i-audit ang mga POGO sa bansa ayon DOJ

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na may kapangyarihang mag-audit ang Commission on Audit (COA) sa kita ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sa legal opinion na inilabas ng DOJ, na iniakda ni Justice Undersecretary Raul Vasquez, nakasaad na may legal na basehan at maayos na fiscal reason para sa COA na busisiin at i-audit ang gross gaming receipts (GRR) ng mga POGO.

Habang nasa proseso naman ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng procuring sa mga serbisyo ng kwalipikadong third-party audit platform.


Sa kabila nito, iginiit naman ng DOJ na ito ay para lamang sa impormasyon at gabay ng PAGCOR dahil tinanggihan din ng ahensya ang hiling para sa legal na opinyon.

Dagdag pa ng DOJ, hindi ito magpapasa ng kahit anong opinyon o ruling at actuation ng mga opisyal at ahensya kung wala itong revisory authority.

Facebook Comments