Hinimok ng Commission on Climate Change ang mga lokal na pamahalaan na magsumite na ng kanilang project proposal para sa pagpapatatag ng komunidad at ecosystem ng bansa, laban sa epekto ng Climate Change.
Ang pahayag ay ginawa ni CCC Executive Director Robert Borje matapos ang pagbubukas ng People’s Survival Fund para sa LGUs.
Ito ay isang grant facility para sa mga lokal na pamahalaan at para sa pagpapatupad ng local climate change adaptation initiatives.
Para maka-access sa pondong ito ay kailangang ng LGUs na sumunod sa mga documentary requirement.
Una, ang pagkakaroon ng Letter of Intent, ikalawa ang pagsususumite ng Accomplished Project Proposal Template, Adaptation reference, tulad ng Climate Risk and Vulnerability Assessments, o Local Climate Change Action Plan, at ang Annual Investment Plan.
Ang pagsusumite ng proposal na ito ay magtatagal lamang hanggang March 31, 2023.