MANILA – Hinikayat ng Commission On Election ang mga botante na huwag palagpasin ang gagawing ”Pilipinas Debates 2016” ng mga Presidential Candidates.Ang unang bahagi ng Presidential Debate ay gagawin sa Theater Center ng Capitol University (CU) ng Cagayan De Oro City sa Pebrero 21, araw ng Linggo.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista – ang masasaksihan na mga debate ay ibinatay sa international best practices katulad sa ginaganap na mga debate ng presidential candidates sa US Elections.Aniya – ito ang tamang pagkakataon na mapalawak pa ang kaalaman ng publiko ukol sa mga kandidato na kanilang ihahalal sa darating na May 9 elections.Kinumpirma rin ni Bautista na personal itong dadalo at mga pinuno ng komisyon kasama ang ilang mga opisyal ng Kapisanan ng mga Broadkaster o KBP.Pagkatapos ng debate sa Cagayan De Oro City, masusundan naman ito sa Cebu, Dagupan City at sa Metro Manila sa Abril. (DZXL 774 // Jennifer D. Corpuz – Writer)
Commission On Election – Hinikayat Ang Mga Botante Na Huwag Palagpasin Ang Unang Presidential Debate
Facebook Comments