MANILA – Nakatakdang magsagawa ng special elections ang Commission On Elections (Comelec) sa labing-isang mga bayan sa walong lalawigan sa Visayas at MindanaoAyon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito’y sa pamamagitan ng isang resolution na pinagtibay ng Comelec En Banc upang matuloy ang halalan sa mga lugar na nagka-problema noong May 09.Ang special elections ay gaganapin sa May 14, araw ng Sabado sa mga sumusunod na lugar.Barangay Gabi, Cordova, Cebu; Maitum, Sarangani; Sta. Cruz, Marinduque; Barangay Mabuyong, Anini-Y, Antique; Barangay Insubuan, San Remigio, Antique; Barangay Roxas, Lope De Vega, Northern Samar; Nagpapacao, Matuguinao, Western Samar; Binidayan, Lanao Del Sur; Pata, Sulu; Panglima Estino, Sulu at Tamparan, Lanao Del Sur.Sinabi naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, umaabot sa kabuuang 17,657 ang bilang ng mga apektadong botante kung saan, malaking bagay ito lalo na’t dikit pa din ang laban sa pagka-bise presidente.Nakapaloob aniya sa nasabing mga lugar ang 52 clustered precincts.Nilinaw din ng Comelec na kanselado muna ang proklamasyon ng ilang mga nanalo sa halalan kung maapektuhan ito ng bilang ng mga boto na magmumula sa gaganaping special elections.
Commission On Election, Magsasagawa Ng Special Elections Sa Labing-Isang Mga Bayan Sa Walong Lalawigan Sa Visayas At Min
Facebook Comments