MANILA – Nagbabala ang Commission on Election laban sa mga nagbabalak na mag-imbento ng reklamo sa araw ng halalan sa Mayo.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, asahan na ang ilang pagbabago sa halalan dahil sa pag-iisyu ng resibo.Sa inilabas ng general instruction para sa Board of Election Inspector o BEI’s, idinetalye ang ilang dagdag na hakbang sa pagboto lalo na sa pag-imprenta nangresibo.Ang bawat bontaneng magrereklamo na may problema sa kanilang boto – kailangang idetalye nito sa papel ang kaniyang reklamo.Kinakailangang lagdaan ng botante ang likod ng resibo at ikakabit ito sa objection form bago ibigay sa BEI’s.Pero giit ni Comelec Commissioner Arthur Lim, na hindi aakysunan ng BEI ang reklamo sa halip ay inonote lang nila ito sa kanilang log book.Aniya, magkukulang kasi ang oras at hahaba ang pila kung aakysunan pa ang bawat reklamo.Dagdag ni Bautista, itinuturing na election offense ang mag-imbento ng reklamo na nagkadayaan sa halalan.kaya bawat magrereklamo aniya ay kailangang manumpa sa BEI kung totoo ang kaniyang reklamo.Sinabi naman ni Dating Comelec Commissioner Gregorio Larazabal, kailangan nang simulan ng ahensya ang malawakang voters education hinggil sa bagong patakaran sa pagboto.
Commission On Election – Nagbabala Sa Mga Nagnanais Na Magreklamo Sa Halalan
Facebook Comments