Commission On Election, Pinakikilos Sa Isyu Ng Bilyon-Bilyong Gastos Ng Mga Politiko Sa Kanilang Political Ads, Sa Hali

17

MANILA – Mas mabuting atupagin nang Commission on Elections ang mga mas importanteng bagay kaysa sa isyu ng laban ni Peoples Champ Manny Pacquaio at Timothy Bradley Jr. sa Abril.Ito ang panawagan ng kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal sa Vomelec.Sa interview ng RMN sinabi ni Macalintal na may mga mas mahahalaga pang isyu na dapat pagtuunan ng pansin ng poll body, tulad nang bilyon-bilyong gastos ng mga politiko sa kanilang mga political ads.Aniya, apat sa mga politikong ito ay mga presidential aspirant na sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe, Secretary Mar Roxas at Mayor Rodrigo Duterte.Ayon kay Macalintal, kahit ang mga nagbayad ng mga ads ay mga kaibigan’ o supporters ng mga nabanggit na kandidatong, trabaho pa rin ng Comelec na imbestigahan ang mga ito dahil karapatan ng taong bayan na malaman kung saan nanggagaling ang kanilang ginagastos.Gusto din ni Macalintal na panagutin ang mga kandidatong sobra-sobra kung gumastos sa itinakda ng batas.

Facebook Comments