Comelec, may paglilinaw sa pagpapatupad ng ban sa mga Public Works at Social Welfare Projects

Nagpaalala ang Commission on Election (Comelec) sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na magsisimula na ang ban sa mga Public Works at Social Welfare Projects sa darating na Biyernes, March 29 hanggang May 12.

 

Paliwanag ng Comelec, iniiwasan nila na magkaroon ng conflict of interest sa mga botante dahil sa mga proyekto ng pamahalaan.

 

Alinsunod na rin ito sa Comelec Resolution number 10511 kung saan bawal na maglabas ng pondo ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno dahil sa nalalapit na halalan.


 

Ang exempted lang sa ban ay ang mga maintenance project, mga proyektong dumaan sa public bidding, natapos na at naaprubahan bago ang March 29 at maging ang mga proyektong nasa ilalim ng Public-Private-Partnership (PPP) at emergency works para sa mga biktima ng kalamidad bago ang eleksyon.

 

Ang sinumang hindi susunod sa kautusan ay sasampahan ng kasong administratibo at paglabag sa omnibus election code.

Facebook Comments