MANILA – Dumipensa ang Commission on Elections (Comelec) sa mga reklamo ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) na wala sila sa listahan ng mga botante at mali umano ang lumalabas na ibinoto base sa resibo sa isinasagawang Overseas Absentee Voting (OAV).Ayon kay Comelec Commissioner Arthur Lim, duda siya na posibleng mangyari ang mga ito.Ayon sa ilang OFW sa Hong Kong, hindi lumabas sa kanyang resibo ang ibinotong pangulo kahit maayos naman ang pagkakabilog sa kandidato sa balota.Para naman sa isa pang OFW, wala siya sa listahan sa mga boboto sa absentee voting.Samantala, kinumpirma naman ng Comelec na may nawala sa listahan ng botante kung saan 250 sa Hong Kong at 450 sa San Francisco.Ayon sa Comelec, nasira nag-voter’s registration machine na may mga pangalan ng mga botante pero nagawan naman ito ng paraan.Dahil dito, nagpalabas na ng panibagong listahan ng mga botante ang Comelec para makaboto ang mga wala sa mga naunang listahan.
Commission On Elections, Nagpaliwanag Sa Nararanasang Aberya Ng Ilang Ofws Sa Nagpapatuloy Na Overseas Absentee Voting (
Facebook Comments