Manila – Kinontra ng Commission on Elections (Comelec) ang naging pahayag ng Supreme Court na walang naging tugon ang poll body sa petisyon ni dating Senador Dick Gordon na umaapela ng pag-iimprenta ng resibo.Sa interview ng RMN kay Comelec Chairman Andres Bautista, sinabi niya na naghain sila ng komento sa petisyon ni Gordon pero hindi ito nabasa ng Supreme Court.Una nang nagbigay ng limang araw na palugit ang SC sa Comelec para magbigay ng komento sa petisyon ni Gordon bago pa man ilabas ang desisyon korte na nag-uutos ng pag-iimprenta ng resibo.Ngayong araw ay maghahain ng Motion for Reconsideration ang Comelec para mai-demo nila sa SC kung anu-ano ang magiging mga disadvantages ng inilabas na utos.Nagbanta na rin ang Comelec sa posibleng pag-aatras ng petsa ng eleksyon dahil matatagalan ang paghahanda nila para sa halalan.
Commission On Elections, Pumalag Sa Pahayag Ng Korte Suprema Na Hindi Sila Nagkomento Sa Petisyong Inihain Ni Dating Sen
Facebook Comments