MANILA – Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na walang mangyayaring dayaan sa halalan matapos na ma-hack ang website nito.Ayon Kay Comelec Spokesman James Jimenez – ibang website ang gagamitin nila sa eleksyon kung saan lalabas ang resulta ng botohan.Aniya, kumpara sa COMELEC website mas secure ito at hindi basta-basta mapapasok ang kanilang automated election system.Samantala, kahit naibalik na ang website, apektado pa rin ang ilang function nito gaya ng search engines, precinct finder at demo videos.Itinanggi naman ng COMELEC ang naging anunsyo ng ‘Lulzsec Pilipinas’ na napasok nito ang buong database ng COMELEC matapos na i-leak ang 340 gigabytes na database nito sa kanilang facebook page.Ayon kay Jimenez, walang nadamay na anumang sensitibong impormasyon sa leak.Target ng comelec na maibalik sa normal ang website sa lalong madaling panahon.
Commission On Elections, Tiniyak Na Walang Mangyayaring Dayaan Sa Halalan Sa Kabila Ng Pagka-Ka-Hack Ng Kanilang Website
Facebook Comments