Manila, Philippines – Nagpalabas ng kautusan ang Commission on Higher Education (CHED) kaugnay sa bagong patakaran ng K to 12 program.
Kasunod ito ng post ng isang unibersidad sa social media kung saan pinaalalahanan nito ang mga undergraduate na tapusin na ang kolehiyo bago ang 2018 para hindi bumalik ng senior highschool.
Paliwanag ni CHED Commissioner Prospero De Vera – hindi na maaring bumalik ng highschool ang isang mag-aaral kapag nakagraduate na ito at nabigyan ng highschool diploma.
Sa ilalim ng ipinalabas na CHED memorandum # 10, ang mga mag-aaral na nakapagtapos bago ipatupad ang K to 12 noong 2016 at mag-eenroll ngayong taon ay kinakailangang sumailalim sa bridging program.
Para sa mga inabutan ng K to 12 – maaring ma-credit ang mga units na kinuha noong grades 11 at 12 na may katumbas sa bagong general education curriculum.
Kasabay nito – ipinagtanggol ng opisyal ang nasabing programa mula sa mga bumabatikos nito.
DZXL558