Commission on Human Rights, aminadong walang matibay na ebidensya laban sa “umano’y” state sponsored killings sa bansa

Manila, Philippines – Aminado ang Commission on Human Rights na wala pa rin silang nakakalap na matibay na ebidensya na magpapatunay sa isyu ng state-sponsored killings sa bansa.

 

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, hindi pa nila makukumpirma sa ngayon na state-sponsored nga ang mga nagaganap na pagpatay ng mga vigilante sa mga suspek na sangkot sa iligal na droga.

 

Pero hindi ito aniya dapat ipagwalang bahala lalo na’t hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mga nagaganap na patayan sa bansa.

 

Una nang sinabi ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na maging siya ay tutol sa mga patayan kaya’t imposibleng ang hanay ng PNP o gobyerno ang nasa likod ng nagaganap na extrajudicial killings sa bansa.



Facebook Comments