Commission on Human Rights, bumuo ng team na tututok sa nadiskubreng secret selda sa station 1 ng Manila Police District

Manila, Philippines – Bumuo ng team ang Commission on Human Rights na siyang tututok sa nadiskubreng secret selda sa station 1 ng Manila Police District.
Sa interview ng RMN kay CHR Spokesperson Atty. Jackie DeGuia, sinabi nitong ito’y para matiyak na hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari.
Ayon kay De Guia, malinaw na may paglabag at pang-aabuso sa karapatang pantao ang ginawang pagdetine sa labing dalawa katao.

Kasabay nito, tiniyak ng CHR na ipagpapatuloy nila ang sorpresang inspeksyon sa ibat-ibang selda sa bansa.
Nanawagan din sila sa Phil. National Police na magsagawang audit sa lahat ng kulungan na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.
Pagtitiyak naman ng PNP na hindi nila kukunsintihin ang ganitong gawain sa kanilang hanay.
Dahil dito, agad na sinibak ang hepe ng station 1 na si Supt.Robert Domingo at labing dalawa nitong tauhan.

Facebook Comments