Pumanaw na sa edad na 57 si Commission on Human Rights (CHR) Chair Jose Luis ‘Chito’ Gascon.
Pagkumpirma ng kapatid nito sa isang Facebook post, maraming pinagdaanang laban sa kalusugan si Gascon pero sa COVID ito natalo.
Si Gascon ay inilagay sa CHR noong 2015 sa panahon ng namayapang si Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at halos tatlong dekada nang tumutulong sa paghahanap ng hustisya kabilang ang isyu sa extrajudicial killings.
Nagpahayag naman sa pakikiramay sa pamilya ng naiwan ni Gascon si Atty. Theodore Te, dating spokesperson ng Supreme Court at binansagan pa itong “a giant for human rights.”
Maliban kay Te, nakiramay din sa pamilya ng dating CHR Chair ang Federation of Free Workers sa pangunguna ng presidente nito na si Sonny Matula.
Facebook Comments