Commission on Human Rights, dumipensa sa surpresang inspeksyon sa nadiskubreng secret jail sa Maynila

Manila, Philippines – Itinangging Commission on Human Rights (CHR) na itinaon nila sa 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang kanilang ginawang surpresang inspeksyon sa Manila Police District Station 1 sa Tondo, Manila.

Ito’y matapos kwestyunin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang motibo ng CHR sa pagsasagawa ng biglaang inspeksyon sa MPD station 1.

Depensa ni CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia, ginagawa lamang nila ang nakasaad sa batas na kapag may natanggap silang impormasyon ay dapat silang magsagawa ng on-the-spot,unrestricted at unhampered jail visitation sa detention facility.


Ayon kay ni De Guia,isasailalim sa forensic examination ang mga preso na nagsabi na sila ay sinaktan at binugbog ng mga pulis habang nakakulong sa “secret jail.”

Maliban dito,bineberipika din ng CHR ang pahayag ng ilang opisyal ng PNP na hindi naman lingid sa kanilang kaalaman ang nasabing tagong kulungan.

Nauna ng sinabi ng CHR na irerekomenda nila sa Ombudsman o sa Department of Justice na papanagutin sabatas ang mga pulis-Maynila na may kinalaman sa pagkakaroon ng sikretong piitan.

Facebook Comments