Commission on Human Rights, ilalabas na sa susunod na buwan ang resulta ng imbestigasyon ng sinasabing Extrajudicial Killings sa Pilipinas

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas sa susunod na buwan ng Commission on Human Rights (CHR) ang resulta ng imbestigasyon sa sinasabing Extra-Judicial Killings (EJK) sa bansa.

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana – nagtatag sila ng EJK task force na siyang nanguna sa pagtutok at nagsagawa ng pagsisiyasat sa mga nangyayaring patayan na hindi dumaan sa tamang paglilitis o due process.

Dagdag pa ni Gana – kabilang sa kanilang pinagbasehan ay ang pagpatay ng mga otoridad sa isang drug personality kahit wala itong kakayahan na manlaban.


Kasama rin aniya ang pagpatay ng mga vigilante, paglalagay ng mga karatula, at pagtatapon sa bangkay ng mga biktima kung saan-saan.

Sinabi ng Commissioner na ipinauubaya na nila sa Office of the Ombudsman ang pagsampa ng nararapat na kaso laban sa opisyal ng Philippine National Police (PNP) na mapatunayang sangkot sa EJK.
DZXL558

Facebook Comments